Dulaang La Salle Araneta Ensemble: Ang Patuloy Na Pagkinang

A is E For Laila
A is E For Laila

Ito ang ikaapat na pagkakataon sa magkakasunod na taunang pampaaralan na maipamalas ng grupong Dulaang La Salle Araneta Ensemble (DLSAE) ang kanilang mga talento sa tanghalan.

    “Hindi kailangang mamatay muli ang liwanag na nasindihan.” Ito ang mithiing nag-uugnay sa pagbubuo ng Tanghalang Araneta noong taong 1996. Isang malaking hamon para sa isang alumni na nagbalik na buhayin ang sining ng pag-arte at pagtatanghal sa isang lugar na mayaman sa talento na humahanap lamang ng daan upang mabigyang buhay ito.

     Ito ay nagmula sa isang matagal na pagnanasa ng mga taga-Araneta na makabuo ng isang samahang pandulaan at pangkultura na makapagtanghal ng masining at malikhaing palabas.

    Ang mga kasapi ng samahan ay yaong mga taong pinagbuklod ng pagnanais na maitaas ang antas ng kultura sa institusyong Araneta, na likas na mayaman sa mga talento at kaisipan. Ang mga kaguruan, mga manggagawa, administrator, at mga mag-aaral ang mga miyembro ng organisasyon na siyang patuloy na maghahatid sa mga manonood ng mga palabas na kontemporaryo.

     Ang malalim na karanasan ng bawat kasapi ang naging ugat kung bakit mayroong samahang tulad nito. Isang samahang pilit na tumatanaw at nagmimithi sa mga pagbabagong panlipunan sa pamamagitan ng sining ng pagsasadula at iba pang anyo.

     Sa kasalukuyan, ang pagmamahal sa sining na aming kinabibilangan ang tangi naming sandata upang patuloy na tahakin ang landas ng tagumpay ng grupo.

     Ngayon at magpakailanman ay taos-puso ang aming mithiing mahandugan ang lahat ng manonood ng isang palabas na sasalamin sa buhay at lipunan. Isang palabas na dugo at laman ang puhunan na magpapaalala sa lahat ng mga taga-LaSalyaneta.

     Ang tagumpay ng samahan sa lahat ng nagawa, ginagawa, at magagawa pa nito ay lubos na iniaalay sa mga taong naniniwala at nananaig sa aming kakayahan. At higit sa lahat sa pinakamamahal naming DE LA SALLE ARANETA.

     Hindi na kailangang mamatay ang muling nasimulan upang pasidhiin ang liwanag na nagbibigay buhay sa sining ng dulaan… At ito ang DULAANG LA SALLE ARANETA ENSEMBLE, na haharap sa hamon at muling magbibigay pugay sa aming pinakamamahal na ARANETA.

 

Ang talaan ng mga palabas ng grupo buhat ng ito’y nagsimula:

 Tanghalang Araneta Ensemble

(SY 1995-1996) – Sa mga direksyon ni Christian D. Pelayo, Ph.

Ang Batas ng Kalikasan (panulat: Christian D. Pelayo, Ph)

Sa Ngalan ng Ama (panulat: Roberto Jose de Guzman)

 

Dulaang Araneta Ensemble

(SY 1999-2000) – Sa mga direksyon ni Christian D. Pelayo, Ph.

Ambon ng Kristal (panulat: Elmer Gatchalian)

Moses-Moses (panulat: Rogelio Sikat)

 

Dulaang La Salle Araneta Ensemble

(SY 2008-2009) – Sa mga direksyon ni Engr. Aleksandre A. Pates

Si Ate Bilang Piso: Isang Musikal (panulat: Engr. Aleksandre Pates)

Ambon ng Kristal (panulat: Elmer Gatchalian)

 

(SY 2009-2010) – Sa mga direksyon ni Engr. Aleksandre A. Pates

Trabaho Soliloquies (panulat: Ned Trespeces)

Ang Sistema ni Propesor Tuko (panulat: Al Santos)

 

(SY 2010-2011) – Sa direksyon ni Engr. Aleksandre A. Pates

Cañao: Isang Sayaw ng Pagsasalinglahi (orihinal na panulat sa maikling-kwento: Amador Daguio / sa pagsasadula ni Engr. Aleksandre A. Pates)

 

(SY 2011-2012) – Sa direksyon ni Engr. Aleksandre A. Pates

A is E for Laila (Musical Play written by: Engr. Aleksandre Pates)

About Aleks

Engr. Aleksandre Pates (a.k.a. Aleks or André) is an I.T. Professional and Electronics Engineer by profession, but it didn’t hinder him to enrich his skills and broaden his experience in theater and literary. He is also a College Instructor/Professor, Playwright, Artistic/Creative Director, Singer, Songwriter/Composer, Resource Speaker/Lecturer of Campus Journalism, Editorial Writing, Creative Writing and Leadership Empowerment for Youth. He is a Palanca Awardee, and he was the Editor-In-Chief of The Philippine Artisan (official student publication of TUP-Manila) from 2003-2007. He is a Certified Oracle Partner Expert since 2010, a Certified Harvard Connected Manager, and a member of the prolific playwright organizations in the Philippines, The WritersBloc. He also holds numerous positions in socio-civic and professional organizations like Institute of Electronics Engineers of the Philippines (IECEP – Manila Chapter), FEU Institute of Technology, and De La Salle Araneta University Alumni Association, Inc.
This entry was posted in Arts, Entertainment, Literature, Stage Play and Theatre and tagged , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

10 Responses to Dulaang La Salle Araneta Ensemble: Ang Patuloy Na Pagkinang

  1. Irish Barroa says:

    Galing mo Eng. Alex..Miss ko na ang “ambon ng Kristal days natin at Moses Moses..Sana one of this day magkaroon tayo reunion (sana lang..)Miss ko tuloy sng spanish bread…Keep it up!

    • Aleks says:

      Hahaha… Thanks ate Irish! 🙂 Correct. Naalala ko pa ang theatre days natin and to tell you frankly, when I revived the theatre last 2008, I really cry after the first show kasi bumalik lahat ng memories… God bless and I miss our group! Looking forward kung meron man tayong reunion. 🙂

  2. prime siatan says:

    once you are born on stage will die the same. it runs in our blood to be lyk dat. any way congratulations for the last project and im very thankful na established natin uli ang grupo.

  3. Raffy1288 says:

    Hello Sir,

    i am a student of STI College and as our final exams for Philippine Literature, we need to come up with a stage play. I am thinking to do the ‘Ambon ng Krystal” but i don’t have a copy of the script. I hope you can provide me a copy.

    Thank you.

  4. Marlon says:

    hi Aleks,

    I would like to ask a really huge favor. Please, would you be able to lend us a copy of the script of Sa Ngalan ng Ama by Roberto Jose de Guzman ?

    I was searching the internet for the script but I could not find one. Then I came to this site.

    I went to CCP last year pero they don’t have a copy in their excel database. We even had to check each file pero to no avail

    Gusto ko sanang i stage ito sa church namin. I played Miguel Villasante back in 2001 during College but we lost our script.

    Hope you could help us. Thanks in advance.

    • Aleks says:

      Hello Marlon,

      Unfortunately, I don’t have the script of Sa Ngalan Ng Ama. By the way, I’m also looking for a copy as well. It was staged by my mentor, Christian Pelayo. He said, he lost his copy as well.

      All the best,
      Aleks

  5. karmela Castillo says:

    Ano po ang kwento ng ambon ng krystal?

    • Aleks says:

      It’s about the story of teenagers who are succumbed to drugs. This play reflects the disadvantages and bad effects of drugs to people since in the story, it shows how drug addiction destroyed the lives of these teenagers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *